No. 2 most wanted sa Makati, arestado

MANILA, Philippines -  Natimbog kahapon ng pulisya ang  itinuturing na number 2 most wanted dahil sa kasong pagpatay sa isang estudyante sa isang bar sa Makati City kamakailan.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang akusadong si  Nico Carlo Cuaresma, 22,  ng Mayapis St., Brgy.  San Antonio ng naturang lungsod.

Sa rekord ng Makati City Police, ang nadakip na aku­sa-do ay ang sumaksak at pumatay sa estudyanteng si Emmanuel Dorado, 18, noong Nobyembre 2014 sa isang bar sa naturang lungsod.

Nadakip si Cuaresma ng mga kagawad ng Makati City Police alas-12:00 kahapon ng madaling araw habang papalabas ito ng kanyang bahay sa naturang lugar sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rico Sebastian Liwanag, ng Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 136.

Samantala patuloy pa ring hinahanap ng pulisya ang kasamahan ni Cuaresma na si Tristan Benevides.

Nabatid na si Cuaresma ay itinuturing na number 2 most wanted sa lungsod ng Makati.

Show comments