MANILA, Philippines – Isang binatilyo ang pinagbabaril at napatay sa Baseco, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Hindi pa man tiyak sa pagkakakilanlang sinasabing ang biktima ay nagngangalang Paul David Fran, tinatayang nasa 16-anyos, estudyante ng Batangas National High School, batay sa nakuhang identification card sa bangkay nito.
Sa inisyal na ulat ni PO2 Charles Licyayo ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubreng duguan at nakabulagta ang biktima dakong alas-11:55 ng gabi sa 11th Street, Port Area, Maynila.
Hindi pa tukoy ang motibo at kung sino ang responsable sa krimen habang wala pang lumulutang na kaanak o kakilala ng nasawi na pwedeng kunan ng impormasyon.