Drug suspek, todas sa tandem

MANILA, Philippines – Napatay ang 48-anyos na trike driver na sinasabing nasa drug watchlist ng barangay matapos itong ratratin ng dalawang riding-in-tandem assassins sa Barangay Hagdan Bato Itaas sa Mandaluyong City kamakalawa.

Napuruhan sa katawan ang biktimang si Edgardo Santos ng Gomez Street sa panulukan ng P. Burgos Street sa Barangay Hagdan Bato Itaas.

Samantala, sugatan naman si Epitacio Yebra, 81, ng Wednesday Street, Poblacion matapos itong tamaan sa kaliwang paa ng ligaw na bala.

Batay sa polices report na nakarating sa Eastern Police District Office, nabatid na dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima.

Nakatayo lamang ang biktima nang biglang lapitan at pagbabarilin ng apat na di-kilalang gunmen saka mabilis na tumakas lulan ng dalawang motorsiklo.

Tinamaan naman ng ligaw na bala si Yebra na nagkataong naglalakad sa nasabing lugar.

Show comments