Halos araw-araw na lang: MRT-3, dalawang ulit nagkaaberya

MANILA, Philippines - Halos araw-araw na namang nagkakaaberya ang mga tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) matapos na dalawang ulit na magka-problema na naman kahapon, Setyembre 29.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, unang napilitang magbaba ng mga pasahero ang isang tren nila dakong alas-7:25 ng umaga sa north bound lane ng Magallanes Station.

Technical problem ang itinuturong dahilan ng pagbababa ng pasahero.

Naibalik din naman kaagad ang normal na operasyon ng mga tren dakong alas-7:27 ng umaga.

Samantala, pagsapit ng alas-2:11 ng hapon ay naperwisyo ang mga mana­nakay ng MRT-3 matapos na maantala ang pagdating ng mga tren nito sa north bound ng North Avenue Station dahil pa rin sa problemang teknikal.

Naibalik naman sa normal ang operasyon ng tren dakong alas-2:29 ng hapon o matapos ang 18 minuto.

Una na ring nagkaaberya ang mga tren ng MRT noong Setyembre 22 (2 beses); Set­yembre 24 (3 beses); Setyembre 25 (1 beses); Setyembre 26 (3 beses); Setyembre 27 (2 beses); at Setyembre 28 (1 beses).

Ang MRT-3 ang nag-uugnay sa North Avenue sa Quezon City at Taft Avenue sa Pasay City, via EDSA.

Show comments