Marikina fire: 6 patay

MANILA, Philippines - Anim na miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos na makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Marikina City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasa-wi na sina Gabriela Gat-chalian, 81; mga anak nitong sina Justine at Bryan; mister ni Justine na si Allan Alvarado at kanilang mga anak na sina Savanna Alvarado, 4 at Samantha, 1 taong gulang.

Sa ulat ng Marikina City Bureau of Fire Protection, nangyari ang sunog dakong alas-2:30 ng madaling  araw sa inuupahang bahay ng pamilya Gatchalian sa  160 E. dela Paz Street, Brgy. San Roque ng lungsod na ito.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, umabot lamang sa unang alarma ang sunog pero na-trap ang mga biktima sa loob ng bahay  dahil sa mabilis na paglaki ng apoy.

Nagresponde naman ang mga bumbero at naa-pula ang sunog bandang alas-3:09 ng madaling araw.

Sa pahayag ni Supt Crispo  Diaz, Assistant Regional Director for Operation ng BFP, isang electric fan na nag-short circuit ang pinaniniwalaang sanhi ng sunog na mabilis na kumalat at tumupok sa buong kabahayan.

Ang bangkay ng batang si Savanna na grabe ang pagkasunog ng katawan ay narekober sa may hagdanan, nasa unang palapag naman ang bangkay ni  Gabriela, nakuha sa bathroom ang labi ng mag-asawang Justine at Allan sa ikalawang palapag  habang ang katawan naman nina Bryan at Samantha ay nasa ikalawang palapag rin.

Patuloy naman ang ma­susing imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangya-ring sunog at magkano ang halaga ng iniwan nitong pinsala.

Show comments