Seguridad sa QC hall hinigpitan kasunod ng bomb threats

File photo

MANILA, Philippines – Pinahigpitan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ngayong Huwebes ang seguridad sa kanilang  city hall matapos makatanggap ng bomb threats ang iba’t ibang opisina.

Ayon sa ulat, lokal na tanggapan ng Department of the Interior and Local Government, Register of Deeds, City Civil Registry Department, at Quezon City Public Affairs Office ang mga nakatanggap ng tawag na may magpapasabog sa kanila.

Kaagad rumesponde ang explosives ordinance disposal team ng lungsod upang alamin kung may mga bomba sa lugar ngunit wala silang natagpuan.

Matapos nito ay balik sa normal na ang operasyon ng city hall.

 

Show comments