1K street children, nakatapos sa ‘Kariton Klasrum’

Ang Kariton Klasrum program' ay orihinal na dinebelop ni Efren Peñaflorida, Jr., ng Dynamic Teen Company, at pinalawig ng DepEd sa labas ng Cavite, kung saan una itong idineploy. JOVEN CAGANDE

MANILA, Philippines – Nasa 1,000 street children sa Metro Ma­nila ang matagumpay na nakatapos sa ‘Kariton Klasrum’ program ng Department of Education (DepEd).

Pinangunahan ng DepEd, Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Dynamic Teen Company (DTC) ang simpleng “moving up” ceremony para sa mga naturang 1,000 ‘Kariton Klasrum program completers’.

Ang naturang programa ay orihinal na dinebelop ni Efren Peñaflorida, Jr., ng DTC, at pinalawig ng DepEd sa labas ng Cavite, kung saan una itong idineploy.

Sa ilalim ng ‘Kariton Klasrum’ program, ang mga street children, out-of-school children, at mga school dropouts na nagkaka-edad ng lima hanggang 14-taong gulang, ay binibigyan ng mas madaling access sa edukasyon.

Matapos ang anim na buwan, ang mga learners ay isinasailalim sa assessment upang matukoy handa na silang pumasok sa re­­gular school o di kaya’y sa Alternative Learning­ System (ALS).

“You cannot box in all students into class­rooms. Sometimes, you have to bring the classrooms to them,” ani DepEd Secretary Armin Luistro, kaugnay ng naturang mata­gumpay na programa.

“DepEd ang nagdala ng klasrum sa mga kalye kung nasaan ang mga bata. Tayo naman ang maglakad sa mga kalye at matuto sa labas ng klasrum,” aniya pa.

Marami ring mga partner private-sector corporations, local government units, at iba pang government agencies at pribadong indi­bidwal na tumulong sa replication ng Ka­riton Klasrums sa pamamagitan ng pagbibigay ng pushcart classrooms, learning mate­rials, school meals, at maging ng hygiene at first aid kits para sa mga bata.

Show comments