^

Metro

Criminology graduate nagbaril sa sarili

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinapos ng isang binata­ ang kanyang buhay sa pa­ma­magitan ng pagbaril sa kanyang sarili matapos hindi makayanan umano ang na­ram­damang kirot sa kanyang puso ng paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend sa Quezon City, kahapon.

Sa ulat ni PO3 Julius Raz, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Detection Unit (QCPD-CIDU)nakilala ang biktima na si Jhun Opiniano, 24, na residente sa No. 12 Trinidad St, San Antonio Subdivision, Brgy. Nagka­isang Nayon, Novaliches.

Ayon kay Raz, nangyari ang insidente sa bahay ng kaibigan ng biktima na nag­­nga­ngalang Diosdado Ocampo na matatagpuan sa Block 1, Lot 2, Molave 2, Rebisco Road, Brgy. Nagka­isang Nayon, No­va­liches, dakong alas-7 ng umaga.

Sabi ni Raz, nagpunta ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigang si Ocampo para umano magpahinga at hiniling na huwag nang sabihin sa kanyang pamilya na naroon siya.

Habang nasa labas ng kanyang bahay si Ocampo ay bigla na lang umano itong nakarinig ng putok ng baril mula sa loob ng kanyang bahay.

Agad na pumasok si Ocampo at nadatnan ang biktima na duguang nakabulagta sa lugar, habang nakita din sa pagitan ng hita nito ang isang improvised shotgun.

Lumitaw na nagtangka na ring magpakamatay si Opiniano dahil sa narara­nasan umano nitong depres­yon simula ng makipaghiwalay ang umano’y sa kanya ang girlfriend sa pamamagitan ng pag-inom ng sleeping pills noong June 21, 2016

Samantala, sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), narekober ang isang improvised shotgun, tatlong piraso ng bala nito, isang pellet at isang plastic cup. Sa cursory examination naman sa bangkay ng biktima lumabas na nagtamo ito ng isang tama ng bala sa kanyang dibdib.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with