Lim-Ali tandem awtomatikong ire-release budget ng barangay

MANILA, Philippines - Awtomatiko na gagawin ang paglalabas ng pondo ng barangay at hindi kailangang may kapalit o compromise.

Ito ang napag-alamang isa sa mga pangunahing plano ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim at ni vice mayoral candidate at incumbent fifth district Councilor Ali Atienza,na kap­wa nalungkot dahil sa pagiging ‘highly politicized’ o napupulitika na nang husto ultimo ang budget ng mga barangay sa lungsod nitong nakalipas na tatlong taon.

 Sinabi ni Lim na sa loob ng apat  na terminong nagsilbi siya bilang alkalde, kahit kelan ay hindi siya nakialam sa mga aktibidad ng barangays lalo na pagdating sa budget.

 Ayon pa kay Lim, itinutu­ring niya ang mga barangay chairman bilang kapantay na administrador at katuwang sa pagpapaunlad ng lungsod lalo na sa mamamayan kaya’t tinitiyak niya lagi na ibinibigay kaagad ang budget ayon sa sinasabi ng batas.

 Binigyang-diin pa ni Lim na ang barangay budget ay dapat na gamiting instrument para sa pag-unlad ng mga barangay sa halip na sa pananakot o pamumuwersa.

 Sinabi naman ni Atienza na maraming chairman ang nagrereklamo na bago ilabas ang kanilang budget, kailangan silang pumunta muna sa City Hall first, magpakuha ng litrato kasama si dating president Erap Estrada at tinatanong pa kung kanino sila loyal o sumusuporta.

Show comments