Bangkay ng miyembro ng Dragon Boat Team lumutang na

MANILA, Philippines – Natagpuan na kaha­pon ang bangkay ng na­­lunod na miyembro ng Alab Dragon Boat Team na  nawala habang ang 21 kasamahan ay nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) nang tumaob at lumubog ang sinasakyang bangka sa Manila Bay, Malate, Maynila.

Namataan ang  bangkay ng biktimang si Jerome Tipon, 26, resi­dente ng  AMC Building  Nakar St., San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Mil­bert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, ban­dang ala-1:20 ng mada­ling araw kahapon nang makita ng mga tauhan ng PCG-Cultural Center of the Philippines Detachment  ang lumulutang na bangkay.

Nangyari ang insi­dente ng paglubog habang nagsasanay ang team ng biktima sa na­bang­git na lugar.

Nagawa pa umanong makalangoy ng mga tauhan ng nasabing team papalapit sa pampang at hindi nakita si Tipon at tinulungan sila ng PCG.

Show comments