MANILA, Philippines - Nasa 3,250 public shool teachers sa Makati City ang tatanggap ng P60,000 hanggang P100,000 back pay allowance bawat isa sa darating na Marso.
Ito ang ipinahayag kahapon ni Makati City Ma-yor Romulo “Kid” Peña Jr.
Sinabi ni Peña naglaan ang pamahalaang lokal ng P170 million upang maibigay ang mga benepisyo ng mga guro sa susunod na buwan matapos lagdaan nito ang Makati School Board Resolution dakong alas- 11:00 kahapon ng umaga sa harapan ng mga mamamahayag.
Nakapaloob sa resolusyon ang alokasyong mahigit sa P499 million para sa kailangang edukasyon at allowances ng mga guro at estudyante sa 29 public elementary schools at 10 high schools.
Bibili ang Makati government ng tablet PCs, charging cart, mga sapatos ng mga estudyante sa Grades 7 hanggang 11 at athletic jackets para sa teaching at non-teaching personnel.
Ang teaching and non-teaching personnel ay tatanggap din ng P117,000 back allowances mula noong 1998 hanggang 2014 kung saan ang bawat isa ay makakakuha ng P500 kada buwan na back pay.
“We are doing everything we can in the best interest of the teachers and students that are central to lift up their confidence and morale,and getting the pupils ready as the next generation of leaders”,” ani ni Peña.
Bukod pa rito, naglaan din ng mahigit P132 milyong pondo para sa renovation at pagsasaayos ng gusali ng pampublikong paaralan sa siyudad.
Kinuha ang pondo para sa supplemental budget mula sa savings at surplus noong 2015 ng pamahalaang lungsod ng Makati.