Driver, operator ipatatawag ng LTFRB: Plastic barriers sa EDSA inararo ng bus
Ricky T. Tulipat at Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ipapatawag ng Land Transportation Franchising and Re­gulatory Board (LTFRB) ang driver at operator ng Joanna Jesh bus na nag-viral sa social media matapos saga­saan ang mga plastic barriers sa EDSA southbound bago sumapit sa Ayala.

Ayon kay Atty. Winton Gines, chairman ng LTFRB, magpapalabas sila ng isang ‘show cause order’ para paharapin ang driver at operator ng bus ng Joanna Jesh bus na dapat nilang sagutin sa loob ng 5 araw simula ng matanggap nila ito kung bakit hindi sila dapat na suspindihin o ikansela ang prangkisa dahil sa insidente.

Bukod dito, nagtakda na rin anya sila ng petsa na ito ay sa February 9, 2016, ganap na alas-9 ng umaga para sa imbestigasyon matapos na ma­tanggap nila ang kautusan kahapon.

Base sa video mula sa isang Ian Santos, na ipinost sa Facebook page ng Top Gear, makikitang sinagasaan ng bus ang mga barriers dahilan para magtalsikan ang mga ito at humarang sa lansangan.

Base pa rin sa video, nakitang nag-uunahan ang Joanna Jesh bus at isa pang bus hanggang sa makitang binangga ng huli ang mga nakahilerang plastic barriers.

Tumilapon ang mga plastic barriers at humarang sa tatlong lane ng EDSA na designated para sa mga private vehicles.

Pero sa kabila nito, hindi huminto ang bus sa halip ay nagtuluy-tuloy ito sa kaniyang pagbiyahe na parang walang nangyari.

ACIRC ANG AYALA AYON BUKOD BUS IAN SANTOS JOANNA JESH LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND RE TOP GEAR WINTON GINES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with