MMDA constable, dedo sa tandem

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa Tandang Sora Avenue, Brgy. Old Balara sa lungsod, ganap na alas-2 ng madaling-araw. Hermann Traub/Stock

MANILA, Philippines – Isang constable ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nasawi nakaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect sa harap ng kanyang kapatid sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO2 Alvin Quisumbing, may-hawak ng kaso, ang biktima ay kinilalang si Sidney Role, 38, at residente ng Sitio Lukban, Cogeo Antipolo City.

Agad namang tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo na hindi naplakahan.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa Tandang Sora Avenue, Brgy. Old Balara sa lungsod, ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Nakikipag-usap ang biktima sa kanyang kapatid na si Richie Role sa lugar nang biglang dumating ang isang motorsiklo angkas ang mga suspect kung saan walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Dahil sa mga tinamong tama, agad na bumuwal ang biktima habang tinangka namang tulungan ito ng kanyang ka-patid subalit maging ito ay tinutukan din ng baril ng backrider.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspect.

Nakarekober din ang awtoridad sa crime scene ng da-lawang piraso ng basyo ng bala ng kalibre .9 mm na baril.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng naturang krimen.

Show comments