^

Nagpaputok sinita, binata kinuyog

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nasa pagamutan ang isang binata nang kuyugin ng kanyang mga kapitbahay nang sawayin niya ang isa sa mga ito dahil sa pagpapaputok ng firecrackers sa Mandaluyong City, kamaka­lawa ng gabi.

Sugatan ang biktimang si Paul Christian Velardo, 20, at residente ng Welfareville, Brgy. Addition Hills matapos na kuyugin ng magkapatid na sina Norberto at Danilo Orcajada, Ino Talde at dala­wa pang hindi pa nakikilalang lalaki gamit ang kutsilyo at bolo.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi kamakalawa sa Welfareville sa Barangay Addition Hills.

Nauna rito, sinita ni Velardo ang mga nasabing kapitbahay na naghagis ng paputok sa labas ng kaniyang bahay.
Gayunman, sa halip na hu­mingi ng paumanhin, nakipagtalo pa ang suspek kay Velardo, saka pinagtulungan ang biktima.

Nakatakas ang mga suspek habang isinugod naman ng kanyang mga kaanak sa Mandaluyong City Medical Center ang biktima dahil sa tinamong sugat sa ulo, braso at balikat.

ACIRC ADDITION HILLS ANG BARANGAY ADDITION HILLS DANILO ORCAJADA INO TALDE MANDALUYONG CITY MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER PAUL CHRISTIAN VELARDO VELARDO WELFAREVILLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with