^

Metro

Naagnas na bangkay ng kelot nadiskubre

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung hindi pa umali­ngasaw ang masansang na amoy ay hindi pa matatagpuan ang naagnas na bangkay ng isang lalaki sa loob ng kanyang tirahan sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), ang biktima ay nakilalang si Johnny Torres, nasa hustong gulang, naninirahan sa 56-A. Maginoo St., Brgy. Culiat, sa lungsod.

Ayon sa ulat, alas-9:30 ng gabi ng madiskubre ang naagnas ng bangkay ng biktima ng isang Denice Navarra,  makaraang makalanghap ito ng masansang na amoy na nagmumula sa bahay ng una.

May nakita din umano si Navarra na kulay itim na tumutulo mula sa loob ng tirahan ng biktima dahilan para magpasya na itong humingi ng tulong sa Barangay. Agad namang rumisponde ang ilang opisyal ng barangay sa lugar at binuksan ang bahay kung saan nadiskubre ang bangkay ng biktima.

Sinasabing huling nakitang buhay ang biktima noong Disyembre 21 dakong ala-1 ng madaling araw habang naninigarilyo sa loob ng kanyang bahay kung saan sinasabing mag-isa lamang siyang namumuhay.

Samantala, sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) wala namanng sugat sa katawan ng biktima na palatandaan na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay nito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BIKTIMA

BRGY

CULIAT

DENICE NAVARRA

JOHNNY TORRES

MAGINOO ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION DETECTION UNIT

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with