^

Metro

Mga gunrunning at bala nasamsam kuta ng gunrunning syndicate, sinalakay

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot sa 27 pirasong ibat-ibang uri ng matataas na kalibre ng armas, mga bala at radio communications ang nasamsam ng Que­zon City Police District sa isinagawang buy-bust operation  sa may Santolan Road malapit sa Camp Crame, kamakalawa ng gabi.

Sa isang press confe­rence sa Camp Karingal, ipinakita sa media ang sangkaterbang nakuhang mga baril na kanilang nasamsam na kinabibilangan ng  isang M-16 armalite assault rifle, limang shotgun, isang caliber .45 pistol, 20 caliber .38 revolver, 4 two-way handheld radio, mga bala ng ibat-ibang uri ng baril, anim na cellular phones at iba pa.

Ayon kay QCPD director­ Chief Supt Edgardo Tinio­, arestado ang apat na ka­tao sa isinagawang operasyon kabilang na ang mga kinila­lang sina Carlo Estoya, 41, isang private security officer, Eduardo Obra, 57,  assistant manager at siyang nangu­ngupahan sa sinala­kay na bahay ng sindikato at mga househelp na sina Ryan Quimanhan at Benky Payla.

Sinabi ni Tinio itinatago­ bilang isang lehitimong wholesaler ng packaging mate­rials ang business company na Tin Wo Rock Enterprises ang lugar.

Nag-ugat ang pagkaka­timbog sa operasyon ng sindikato matapos makatanggap ng tip ang mga awtoridad tungkol sa nagaganap na bentahan ng caliber .45 pistol na P40,000 sa natu­rang bahay.

Agad ikinasa ang isang buy bust operation ng mga tauhan ng District Special Operations Unit sa pamumuno ni  Supt. Jay Agcaoili at natunton sa kuta ng mga kawatan ang iba pang mga armas at bala.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Quezon City po­lice na 10-taon nang nag-o-operate sa pagbebenta ng mga baril at bala ang sindikato na nakakakuha pa ng lahat ng business requirements para sa isang lehitimong negosyo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BENKY PAYLA

CAMP CRAME

CAMP KARINGAL

CARLO ESTOYA

CHIEF SUPT EDGARDO TINIO

CITY POLICE DISTRICT

DISTRICT SPECIAL OPERATIONS UNIT

MGA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with