^

Metro

Creek, kanal sinimulan nang linisin laban sa tag-ulan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puspusan na ang ginagawang paglilinis ng  Quezon City go­vernment sa mga kanal at creek sa lungsod bilang paghahanda sa panahon ng  tag-ulan.

Nabatid na nagsisimula nang nag-iikot ang District Action Offices at QC Engineering Department upang  linisin ang mga baradong  kanal at iba pang  daluyan ng  tubig.

Una nang isinagawa ang declogging, repair, at clean-up operations sa Northview 1; Pangasinan St.; Batallion St.; Barangay Batasan Hills partukular sa Pacamara St., sa Barangay Commonwealth sa Diatrict 2.

Isinailalim na rin sa declogging operations ang bahagi ng Quezon Memorial Circle at ang manhole inlet installation sa Elliptical bikelane na sakop ng District 4.

Nais na tiyakin ng LGU na maalis ang mga bara at basura sa mga daluyan ng tubig bago pa dumating ang panahon ng tag-ulan.

Asahan pa ang clean-up at declogging operations sa iba pang lugar na kadalasang binabaha kapag may malalakas na pag-ulan.

Umaasa rin ang QC LGU  na maging ang  publiko ay magiging responsable sa pagtatapon ng basura  na malaking epekto sa pagbabaha.

vuukle comment

DISTRICT ACTION OFFICES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with