Mag-live-in na ‘tulak’, timbog

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang mag-live-in na ‘tulak’ ng iligal na droga sa isang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Nakilala ang mga naaresto na sina Jennifer Manalaysay, alyas Janet, at Eric Muñez, 38, kapwa naninirahan sa Brgy. Tangos­, ng naturang lungsod. Sa ulat ng Valenzuela Police Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group, nagsa­gawa ng buy bust operation ang mga tauhan nilang sina PO2 Gerry Conde at PO2 Joel Bancure dakong alas-9 ng gabi sa may S. Roldan Street, Brgy. Tangos. Arestado si Manalaysay matapos na magbenta ng dalawang maliit na plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu. Nakialam naman ang kinakasama nitong si Muñez na tinangka pa umanong suhulan ang mga pulis sanhi upang arestuhin din ito.

Show comments