‘Pagbasura ng CTA case Christmas gift sa akin’ -- Erap

MANILA, Philippines – Itinuturing ni Manila Mayor Joseph Estrada na Christmas gift sa kanya ang pagkakabasura ng kanyang kaso sa Court of Tax Appeals (CTA).

Ayon kay Estrada, ma­ta­gal nang dapat naibasura ang kaso matapos na madis­mis ang kanyang  plunder laban sa kanya.

“Finally, after how many years I got the justice that I deserve,” ani  Estrada.

Napatunayan na rin  wala silang kasalanan sa plunder at walang basehan ito kaya’t siya ay vindicated. Aniya la­labas naman talaga ang katotohanan.

Giit pa ni Estrada na hu­mingi na sa kanya ng tawad  ang lahat kabilang sina dating pangulong Corazon­ Aquino at ilang Obispo ng Simbahang Katolika sa pagsasabwatan na matanggal siya sa pagkapangulo noong 2001.

Isa lamang umano ang Jose Velarde account sa mga ginamit na ebidensiya ng pamahalaan laban sa kanya.

Dito siya nasintensiyahan ng guilty ng Sandiganbayan special division.

Gayunman,  binigyan  siya ng pardon ni  dating pa­ngulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kung saan ibinabalik ang kanyang “civil and political rights.”

Show comments