^

Metro

Bebot tinaniman ng bala

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 41-an­yos na babae nang barilin ng malapitan ng dalawang hindi nakikila­lang suspek sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw. Sa report ni Det Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, isang tama ng bala ng baril ang na­ging dahilan ng kamatayan ni  Marivic Manalang ng Int.31 Pilar St., Tondo habang ginaga­mot sa Caloocan Medical Center­.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa dalawang sus­pek na tumakas matapos ang insidente. Batay sa imbes­tigasyon, dakong-1:20 ng ma­daling araw, nang naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima nang dumating umano ang mga suspek.

Kinausap ng isa sa suspek ang biktima habang ang isa pa ay nagmistulang look-out at ilang sandali pa ay itinutok ng suspek ang baril sa sentido ng biktima at pinaputok ito. Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa droga ang motibo sa pagpatay.

ACIRC

ANG

BATAY

CALOOCAN MEDICAL CENTER

DET GLENZOR VALLEJO

INAALAM

KINAUSAP

MANILA POLICE DISTRICT

MARIVIC MANALANG

PILAR ST.

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with