2 patay sa sagupaan ng 2 grupo ng kalalakihan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dalawa ang nasawi, ha­bang isa pa ang kritikal ang kalagayan nang makasagupa ang isa pang grupo ng kalalakihan na armado ng patalim, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Nasawi sa lugar ng krimen si Heber Florita, alyas  Totong, 42, may-ari ng junkshop, habang nalagutan naman ng buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang 45-anyos na si Jerry Abellano.

Inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center dahil sa mga tinamong saksak si Jerome Rivera, 23, residente ng Interior Pilapil, Sanciongco Street, Brgy. Catmon.

Arestado naman ng pu­lis­ya ang mga suspek na sina Marcus Gumapas, 41; anak na si Marvin, 17; Reynold Labayo, 23, ng Interior Pilapil, Sanciongco Street; at Salvador Salve, 23, ng Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat ng Malabon City Police, nag-iinuman ang tatlong biktima sa Interior Pilapil Sanciongco Street dakong alas- 12:05 ng madaling araw nang utusan ni Abellano ang anak-anakan na si Rivera na bumili ng sigarilyo.

Nang pabalik na si Rivera, nakasalubong nito ang apat na mga suspek na armado ng patalim. Nagtatakbo si Rivera hanggang sa dumating sa kanilang lugar ng inuman ngunit hinabol ng mga suspek at dito inupakan ng saksak ang mga biktima.

Agad namang nakares­ponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 9 at tagumpay na nadakip ang apat na suspek. Patuloy namang inaalam pa ang motibo ng pamamaslang ng grupo ng mga suspek.

ACIRC ANG HEBER FLORITA INTERIOR PILAPIL INTERIOR PILAPIL SANCIONGCO STREET JEROME RIVERA JERRY ABELLANO MALABON CITY MALABON CITY POLICE RIVERA SANCIONGCO STREET
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with