Vendors ng Quinta Market, nagkakasakit
(Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bukod sa hindi ma­a­­yos na kita ng mahigit sa 200 lehitimong vendors ng Quinta Market sa Quiapo, May­­nila, apektado na rin umano pati  kalusugan ng mga manininda rito. 

Ito ang isiniwalat at na-ging hinaing ng mga opis-yal ng Quiapo Public Market Development Cooperative (QPMDC) kay 5th District Congressman Amado Bagatsing nang imbitahan nila itong bisitahin ang  naturang palengke upang ipakita ang tunay nilang kalagayan apat na buwan matapos na ipag-utos ni Mani­la Mayor Joseph Estrada na i-demo-lish ang Quinta Market upang bigyan daan ang privatization project sa pagitan ng City Government of Manila at Market Life Lea-sing Corporation.

Ayon kay QPMDC Chairman Arnold Chico, dahil sa kawalan ng maayos at sapat na ventilation ng lugar kung saan inilipat ang mga vendors mula sa kanilang dating puwesto sa loob ng Quinta Market, kaliwa’t kanan umano nga-yon ang kaso ng mga vendor  na nagkakasakit.

“Kawawa ang kala­ga­­­yan ng mga kasama­han naming vendors dito sa loob ng mala-oven na lugar na ito. Walang  maayos at sapat na  ventilation ang pinag­lagyan sa amin, kaya naman ang siste, nauuwi sa pag­kakasa­kit. Pneumonia, lagnat, sipon, trangkaso, halo-ha­­long sakit,” paliwanag ni Chico.

Ayon naman kay Santos, malaki umano ang epekto nito sa kalusugan at kabuhayan ng mga vendors. “imbes na yung kikita­in namin ay pambi­li ng pa-ngangailangan at sa pang­gastos para sa aming pamilya ay mababawa-san pa ito ng pampa-ospital at pambili ng gamot,” pali­wanag ni Santos.

Nababahala naman ang kongresista sa kasalukuyang kalagayan ng mga vendors, kaya naman ipina­ngako nito na patuloy na aalalay ang kanyang tanggapan upang mabigyan ng legal assistance ang mga ito upang ipaglaban ang kanilang karapatan.

ACIRC AMADO ANG AYON CHAIRMAN ARNOLD CHICO CITY GOVERNMENT MAYOR JOSEPH MGA NBSP QUINTA MARKET SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with