Kelot, binoga habang natutulog

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng tatlong suspek habang natutulog, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni SPO3 Jonathan Bautista ng MPD-Homicide Section ang biktimang si Roger Gamba, 27, miyembro ng Batang City Jail at residente ng Leonel Compound, Bgy 20 Zone 2 District 1, Tondo.

Nadakip naman ang tatlong suspek na sina Samuel Boltron, 36; Joseph Mamaradio, 32, kapwa ng Parola Compound, Tondo at Ri­chard Retarino, 21, ng  Area B, Parola Compound Tondo, Maynila.

Ayon kay Bautista, ala- 1:15 ng hapon nang mangyari ang insidente. Natutulog ang biktima sa harap ng kanyang bahay nang bigla na lamang  pagbabarilin ng  mga suspek. Nabatid kay Bautista na ang pagdakip sa tatlo ay bunsod na rin ng umano’y mga pagbabanta ng mga ito sa biktima.

Tinututukan naman ng pulisya ang motibo ng droga sa krimen.

Show comments