Kelot itinumba dahil sa droga

MANILA, Philippines - Patay ang isang 30-anyos na lalaki nang pagbabarilin ito ng hindi pa kilalang salarin na hinihinalang may kinalaman sa droga kahapon ng umaga sa Makati City.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Makati ang biktimang si Daniel Jarapa, ng Lansones St., Brgy. Comembo ng naturang lungsod sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek.

Ayon sa ulat naganap ang insidente alas-9:45 ng umaga sa Comembo Market, Balimbing St., Brgy. Comembo ng naturang lungsod habang ang biktima ay nakatayo sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang suspect at pagbabarilin ito. Mabilis  na tumakas ang suspek matapos ang isinagawang krimen.

Ayon sa pulisya, isa sa mga anggulong iniimbestigahan nila sa ngayon ay may kinalaman sa droga at patuloy pa silang nagsasagawa ng follow-up hinggil sa insidente.

Show comments