Rex Gatchalian muling tatakbo sa Valenzuela
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Itutuloy ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang ikalawang termino nito bilang alkalde makaraang pormal magsumite na kahapon ng umaga ng kanyang “certificate of candidacy (COC)” kasabay ang kanyang buong tiket.

Bukod sa alkalde, nagsumite rin ng kanilang kandidatura sina incumbent District 1 Representative Win Gatchalian, habang tatakbo bilang Congressman ng 2nd District si incumbent Vice Mayor Eric Martinez. Magiging katambal naman ni Gat­chalian si Lorie Natividad Borja na tatakbo bilang Vice Mayor.

Kasama sa tiket bilang mga kandidatong konsehal sa District 1 sina Marlon Alejandrino, Tony Espiritu, Jenny Esplana, Rovin Feliciano, Ramon Encarnacion, at Riccar Enriquez. Sa District 2, tatakbong mga konsehal sina Kim Galang, Charee Pineda, Lai Nolasco, Tyson Sy, Nina Lopez, at Sel Sabino.

Sinabi ni Gatchalian na ipagpapatuloy niya ang mga prog­rama upang lalong tumaas ang antas ng pamumuhay sa lungsod, pagpapalakas sa kalusugan at edukasyon.  Kasama dito ang pagbubukas ng isang “world class” na Pamantasan­ ng Lungsod ng Valenzuela campus” sa 2016.

Muling tatakbo si Gatchalian at mayorya ng kanyang tiket sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) habang isang kandidato sa pagkakonsehal ang nasa ilalim ng PDP-LABAN at isa ay miyembro ng UNA. Tatakbo naman si Win Gatchalian bilang Independent.

ACIRC CHAREE PINEDA GATCHALIAN JENNY ESPLANA KASAMA KIM GALANG LAI NOLASCO LORIE NATIVIDAD BORJA MARLON ALEJANDRINO NATIONALIST PEOPLE NINA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with