Kelot nagbigti sa loob ng banyo

MANILA, Philippines – Isang lalaki na umano’y nagpatiwakal sa hindi mabatid na kadahilanan ang natagpuang walang buhay sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa lungsod Quezon kamakalwa ng gabi.

Ayon kay PO2 Julius Balbuena, ang biktima ay nakilalang si Kim Khristoppher Pascual, 32, may-asawa ng Phase 4, Ephe­sians St., Jordan Plains Subd., Brgy. Novaliches sa lungsod.

Nadiskubre ang biktima ng kanyang kapatid na si Adela habang walang buhay na nakasalampak sa loob ng banyo na may suka at dura sa kanyang tagiliran, alas 7 ng gabi. Agad na ipinagbigay alam ni Adela ang insidente sa barangay officials sa lugar na tumawag naman ng pulis. Gayunman, dagdag ni Balbuena, tumanggi na ang pamilya ng biktima na masuri pa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bangkay ng biktima sa pamamagitan ng paglagda sa isang waiver kasama ang kanilang abogado dahil naniniwala silang nagpatiwakal ito.

Show comments