Tig-isang lane ng Ayala Bridge binuksan

MANILA, Philippines - Pansamantalang binuk-san ang  tig-isang southbound at northbound lane ng Ayala Bridge sa Maynila kahapon.

Ito’y kasunod ng apat na araw na pagsasara ng tulay dahil sa isinagawang rehabilitation, repair at retrofitting dito.

Subalit ang nasabing lane ay para lamang sa mga light vehicles.

Muli itong isasara para sa pagkukumpuni sa Sabado  at Linggo at muli ring bahagyang bubuksan sa Lunes.

Sa Nobyembre 1 pa ina­asahang magiging fully ope­rational ang Ayala Bridge bagama’t pagsapit pa ng Pasko tinatayang matatapos ang pagkukumpuni rito.

Show comments