Lalaki naburyong kuwarto sinunog, nagpakamatay

File photo

MANILA, Philippines – Patay ang isang 60-anyos na lalaki nang magbaril sa sarili matapos silaban ang kaniyang mga damit  kung saan nadamay ang  inuupahang  bahay, sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.

Bagamat agad namang naapula ang apoy, dead-on- the-spot naman ang biktimang si Guillermo Abad, ng no. 1064 Arlegui St., Quiapo, Maynila na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib.

Ayon kay SPO2 Jona-than Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob sa inuupahang silid ng biktima.

Ayon sa kapitbahay na si Rowena Jurane, 22, napan­sin niya ang  usok mula sa silid ng biktima matapos na makarinig ng  putok ng baril.

Agad niyang  ipinaalam ito sa may-ari ng bahay  na si Jon Cruz at pinagtulung-tulungang buhusan ng tubig hanggang sa maapula ang apoy .

Dito na rin nakita ang nakahandusay na biktimang may hawak ng baril. Muling pinutukan ng  biktima ang sarili kaya’t hindi ito nasak­lolohan ng kanyang mga kapitbahay.

Wala naman sa bahay ang misis ng biktima kung saan sinasabing nilayasan  nito ang  huli dahil sa madalas na pag-aaway.

Nabatid na bagong lipat pa lamang ang biktima at misis nito matapos na ireklamo sa  dating tinitirahan ng madalas na pagtatalo nilang mag-asawa.

Show comments