Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo

MANILA, Philippines - Dagdag-bawas presyo­ na­man ang ipatutupad nga­­yon (Martes) ng ilang oil com­panies sa kanilang pro­duktong petrolyo. Ang dagdag-bawas ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, na bumaba ng P0.25 kada litro ang gasolina, habang tumaas na­man ng P0.20 kada litro sa kerosene at P0.35 naman sa diesel na epektibo alas-12:01 kagabi.

Ayon kay  Ina Soriano ng Pilipinas Shell ang ipinatupad na dagdag-bawas sa presyo ng kanila produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Inaasahan naman na susunod na ring mag-anunsyo sa pagbaba sa presyo ng langis ang ilang pang kompanya.

 

Show comments