40 bus ‘sumaklolo’ sa mga pasahero ng MRT

Umabot sa 40 bus ang sinasabing ‘sumaklolo’ sa mahabang pila ng mga pasahero ng MRT sa kahabaan ng EDSA sa pag-arangkada ng MRT bus project ng LTFRB at ng DOTC. Michael Varcas

MANILA, Philippines – Umarangkada kahapon ang ikalawang araw ng MRT bus project na nag­lalayong masolusyunan ang napakahabang pila ng mga pasahero ng tren.

Ito ay proyekto ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB­), ayon sa kanilang chairman na si  Winston Ginez­ kasama ang Department of Transportation and Communications (DOTC) at MRT.

Kahapon 40 na bus  ang bumiyahe mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga­ mula sa North Avenue at Quezon Avenue stations ng MRT na humihinto lamang sa Ortigas at Ayala Stations.Pareho rin lang sa MRT ang pasahe.

Pumayag naman anya ang mga bus company kahit mababa ang pasahe dahil dagdag-kita ito sa kanila lalo’t coding na bus naman ang gamit sa naturang proyekto.

Sa kabila na pinayagan naman ito ng pampamu­nuan ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) pero maraming mga pasahero ang mas pinipiling pumila sa MRT dahil mas umuusad anila ito kumpara sa trapik sa EDSA.

Show comments