Binatilyo itinumba ng karibal na gang sa QC

MANILA, Philippines – Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang binatilyo matapos barilin ng isang miyembro ng kalabang gang sa lungsod ng Quezon ngayong Lunes.

Nakilala ang biktimang si Dexter Barrion, 17, na pinaniniwalaang binaril ng malapitan base sa tama ng bala sa ulo na tumagos sa kanyang batok.

Bandang 7:30 ng umaga nang habulin si Barrion ng hindi pa nakikilalang suspek sa Republic Avenue malapit sa Basilio compound.

May nakasukbit na pen gun sa leeg si Barrion nang matagpuan.

Ayon sa mga testigo, nagkaroon ng riot ang dalawang gang sa Greater Fairview bago naganap ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Show comments