Bebot inutas ng ka-live-in

MANILA, Philippines - Utas ang isang 21-anyos na babae makaraang saksakin ng kanyang live-in partner dahil umano sa matinding pagseselos, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Idineklarang dead-on-arrival  sa Gat Andres Hospital ang biktima na si Jovelyn Bitong, ng Nayon St. Brgy. 4, dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan

Nakatakas naman ang live-in-partner nito na si Rodrigo Alejo, 25.

Batay sa ulat ng pulisya, ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng inuupahang apartment ng mag-live-in.

Sa pagsisiyasat, umuwing lasing si Alejo at kinompronta si Bitong hinggil sa mga narinig na tsimis na mayroon itong lalaki.  Itinanggi naman ng biktima ang alegasyon subalit hindi ito pinaniwalaan ni Alejo kaya’t nauwi ito sa pagtatalo ng dalawa.

Sa gitna ng pagtatalo, nakakuha ng kutsilyo si Alejo at pa­ulit-ulit na inundayan ng saksak ang babae.

Show comments