Lalaki itinumba ng tandem sa QC

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki ngayong Biyernes ng hapon matapos tambangan ng dalawang armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa mga ulat, sakay ang biktima ng Toyota Fortuner nang pagbabarilin ng mga suspek bandang 12:45 ng hapon sa Kamias Road malapit sa kanto ng Kasing-Kasing sa Barangay East Kamias.

Base sa salaysay ng mga testigo ay nakasuot ng itim na jacket at helmet ang isa sa mga suspek.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pamamaslang.
 

Show comments