Beybi inabandona sa istasyon ng MRT

MANILA, Philippines – Isang bagong pa­nganak na sanggol na babae ang inabandona ng kanyang ina sa isang istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa Makati City kamakalawa.

Ayon sa mga guwardya ng MRT na naka­talaga sa Magallanes Station na sina Mark Anthony Montes at Lucio Pa-ano Jr., alas-2:30 ng hapon nang matagpuan nila sa may hagdanan ng south-bound lane,  EDSA Avenue ng naturang lungsod ang beybi na  tinatayang nasa dalawang linggo pa lamang na nakabalot sa lampin.

Sa ngayon ay nasa mabuti namang kala­ga­yan ang naturang sang­gol at nasa panga­ngalaga ito ng Brgy. Bangkal Lying-in Center sa Ma­kati City.

Show comments