Nakabuntis ng babae, nagbigti

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang de­presyon dahil nakabuntis ng babae ang isa sa motibo kaya nagpasalubong kay kamatayan ang 27-anyos na mister matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa kasagsagan ng selebrasyon ng Bagong Taon sa Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joey Ventura, motor­cycle mechanic at nakatira sa Brgy. Commonwealth sa nasabing lungsod.

Base sa police report, ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng kanyang kapatid­ na si Jaime bandang alas-12 ng hatinggabi.

Huling namataang buhay ang biktima na nag-iisang pumasok ng kanyang kuwarto habang naghahanda ang kanyang mga kapatid sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinasabing may na­buntis na babae ang bik­tima kung saan ilang buwan ang nakalipas ay nanganak na ito pero ipinagkakait ng babae na makita ang bata.(Ricky Tulipat)

 

Show comments