Bebot binoga sa ulo, todas

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 22-anyos na babae makaraang barilin sa ulo ng di-kilalang lalaki sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Isinugod pa sa Pagamutang Bayan ng Malabon su­balit hindi na uma­bot ng buhay ang biktimang si Edylene Santos ng Jugado Interior Sal­mon St., Brgy. 8, Caloocan City.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, bumibili ng sigarilyo sa tindahan ang biktima dakong alas-10:15 ng gabi nang la­pitan at barilin. Kaswal lamang umanong naglakad patakas ang gunman ma­tapos isagawa ang krimen.

Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan ng gunman habang ina­alam ang motibo sa krimen.

Show comments