Dumukot, nangmolestiya sa 2 estudyante sa Makati, tugis
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bumuo na ng compo­site team ang pamunuan ng Makati City police para tugisin ang grupo  ng mga kalalakihan na sangkot sa umano’y  pagdukot at pangmomolestiya sa  dalawang estudyante, kamakailan.

Sa panayam kahapon kay Senior Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City Police, na noong Miyerkules ay nagreklamo na sa tanggapan ng Makati City Police, Women’s and Children Desk Protection  ang umano’y 14-anyos na dalagitang high school student  na sinasabing  dinukot at minolestiya noong Lunes (Nov 3), alas-10:00 ng umaga malapit umano sa paaralan nito sa Makati High School  sa Barangay Poblacion ng naturang lungsod ng isang grupo ng kalalakihan na pawang nakasakay sa isang hindi pa batid na sasakyan.

Ayon sa biktima nakatakas lamang siya sa mga suspek nang magpakarga ng gasolina sa may J.P. Rizal, Makati City na dito siya nakatiyempo para makatakbo.

Samantala, nagreklamo na rin sa naturang tanggapan  ang isa pang 21-anyos na estud­yante  matapos din siyang dukutin at pagsamantalahan umano ng apat na kalalakihan sa EDSA, Magallanes Interchange  ng naturang lungsod noong Setyembre 30 ng taong kasalukuyan hanggang sa matagpuan ito ng isang mag-ina  sa  Malolos, Bulacan.

Ayon sa biktima, alas-6:30 ng gabi, pauwi na siya galing eskwelahan habang naglalakad  nang mapansin niyang may van na mabagal ang takbo at nakasunod sa kaniya. 

Nang tumapat umano sa kanya ang van na ‘for re­gistration ang plaka ay hinablot na lamang ang  kanyang dalang bag at saka siya hinatak papasok ng loob ng van ng tatlong lalaking pawang naka-bonnet.

Ayon sa Makati City Police,  nakikipag-ugna­yan na rin sila  sa Metropolitan Manila Development  Authority (MMDA) dahil posibleng  may CCTV sa naturang  lugar na ma­aaring nakuhanan ang insidente.

AYON BARANGAY POBLACION CHILDREN DESK PROTECTION ERNESTO BARLAM MAGALLANES INTERCHANGE MAKATI CITY MAKATI CITY POLICE MAKATI HIGH SCHOOL
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with