Tandem arestado sa shotgun

MANILA, Philippines – Hindi na rin ligtas ang publiko sa riding-in-tandem assassins na babae ang angkas makaraang makumpiskahan ito ng shotgun sa checkpoint ng pulisya kahapon ng umaga sa Caloocan City. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Princess Perez ng Bukid area, Victoria Wave, Barangay 186 Tala sa nasabing lungsod. Maging ang driver ng motorbike na si Alex Unte ng Phase 12 Riverside, Brgy. 188 sa Tala ay inaresto rin. Sa ulat ng pulisya, sinita ng pulisya ang dalawa sa checkpoint sa panulukan ng Barrack Road at Malaria Road dahil sa kapwa walang suot na helmet habang nakamotorsiklo. Nang hingan ng dokumento ng motorsiklo at lisensya, napansin ng mga pulis na may nakausli sa shoulder bag ni Perez.  Nang suriin, nadiskubre ang isang improvised 12mm gauge shotgun sa loob ng bag kaya agad na inaresto ang dalawa. Ikinatwiran ng dalawa na pang-depensa lamang umano nila ang shotgun.

Show comments