Bawas presyo sa petrolyo, ipinatupad

MANILA, Philippines - Nagpatupad ngayong araw na ito (Oktubre 7)  ng rollback sa presyo ng petrolyo ang ilang kompanya ng langis kabilang ang tinaguriang “Big 3”. Ito ay pinangunahan ng Petron  Corporation, Chevron Philippines (CALTEX),  Pilipinas Shell at Total Philippines.

Ipinatupad ang rollback alas-12:01 ng madaling araw. Ayon kay Raffy Ledesma, Strategic Communication ng Petron Corporation, para sa  diesel at kerosene, bumaba ito ng halagang P0.35 kada litro at bumaba naman ng P0.15 kada litro para sa gasolina.

Ang ipinatupad na rollback sa Chevron, Pilipinas Shell at Total Philippines ay kahalintulad din ng halagang ibinababa sa Petron.

 

Show comments