Bading binugbog na, ninakawan pa

MANILA, Philippines - Bugbog-sarado ang inabot ng isang bading makaraang umatras sa pakikipagtalik sa isang lalaki na nakilala sa isang bar na tumangay pa sa kanyang cellular phone, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Hindi naman nakilala ng biktimang si Daniel Lim, alyas Sugar, 25, ang suspek na nanggulpi sa kanya dahil sa hindi na umano niya natandaan ang pangalan nito dahil sa lango rin sa alak.

Sa kanyang salaysay, nakilala niya ang suspek sa isang bar sa Caloocan na naki-table sa kanila.  Dakong alas-3 ng mada­ling-araw nang magsara na ang bar, niyaya umano siya ng suspek na magpunta sa kanilang bahay sa Sangandaan, Calo­ocan City upang ituloy ang kanilang “good time”.

Nang dumating sa bahay, nag-umpisang magtalik ang dalawang lalaki ngunit umatras ang biktima.  Nagalit naman ang suspek na hinubaran pa umano ang biktima na inilabas naman ang cell­phone at nanakot na ta­tawag sa pulis.

Sa halip na ma­takot, inagaw ng suspek ang cellphone sa biktima at inumpisahan itong gul­pihin. Nang magsawa, pinalayas na lamang ng suspek ang bading na diretsong nagtungo sa presinto.

Show comments