Drug raid, 1 timbog

MANILA, Philippines - Isang ‘tulak’ ng droga ang nadakip matapos salakayin ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Force at Special Weapons and Tactics (SAID-STOG, SWAT) ang isang bahay sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ni Chief Inspector Lerpon Platon, hepe ng SAID-STOG ang nadakip na suspek  na si Ferdinand  Ocampo alyas Ferdie,  ng Gouiolay St., Brgy. 2,  Zone 1 ng nasabing lungsod.

Base sa report, alas-6:00 ng gabi nang salakayin ng mga awtoridad ang bahay ng suspek sa  nasabing lugar sa bisa ng isang  search warrant na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court 2nd Vice Executive Judge Tingaraan U. Guiling.

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ito ng mga pulis kung saan nakumpiska mula dito ang 12 plastic ng shabu.

Show comments