Babae pisak sa tractor

MANILA, Philippines - Pisak ang katawan at kumalat ang utak ng isang 25-anyos na babae nang masagasaan ng tractor head na may hatak na trailer truck habang tumatawid sa Capulong highway, panulukan ng Road 10 Vitas, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga­.

Dead-on-the-spot si Honey Desuyo, ng Happy Land, Vitas Tondo.

Hawak na ng Manila Traffic Enforcement Unit ang driver na kinilalang si Philip Juanchon, 34, ng Mabini St., Pinyahan, Quezon City.

Sa ulat ni SPO3 Rey Fernandez, dakong alas-10:45 ng umaga  nang maganap ang nasabing insidente sa northbound lane ng Capulong  highway.

Nabatid na papauwi ang biktima nang tumawid sa nasabing kalye at nahagip ng rumaragasang tractor head na patungo umano sa loob ng ng Philippine Port Authority (PPA)

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban kay Juanchon.

Show comments