250 pamilya nasunugan sa Parola

Wala nang mapapakinabangan sa mga kabahayan sa Isla Puting Bato, Tondo Manila matapos na tupukin ng apoy sa naganap na sunog kahapon. (Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines - May 140 kabahayan ang naabo sanhi upang  mawalan ng tirahan ang may 250 pamilya sa sunog sa Parola, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling- araw.

Sa ulat ni Fire Officer 2 Edilberto Cruz ng  Manila Fire Bureau-Arson Division,  dakong ala-1:31 ng mada­ling-araw nitong Sabado nang magsimula ang apoy at mabilis na kumalat sa magkakatabing kabahayan  na pawang yari sa light materials.

Nahirapang pasukin ng mga trak ng bumbero ang lugar dahil sa bukod sa masikip ang kalye ay marami ring nakahambalang sa daan.

Umakyat  sa ika-limang alarma ang sunog bago naideklarang  fire-out ito.

Walang naiulat na nasawi habang tinataya pa ng mga fire investigator ang kabuuang pinsala sa sunog.

Show comments