Street sweeper, lasog sa truck

MANILA, Philippines - Pumailalim sa trailer truck matapos masagasaan at agad na nasawi ang isang 52-anyos na street sweeper ng Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) nang tumawid ito sa Delpan bridge sa Tondo, Manila, kahapon ng umaga.

Wasak ang katawan ng biktimang si Alberto Rondilla, ng  Sta.  Barbara St., Tondo.

Hawak na ng Manila Traffic Enforcement Unit ang suspek na driver ng nakasagasang trailer truck na si Gerry Lura, 55, ng Caloocan City.

Sa ulat ni SPO1 Elizalde Obena, dakong alas-10:00 ng umaga  nang maganap ang insidente sa tulay ng Delpan  sa  panulukan ng San Patricio St., sa Tondo.

Tumatawid umano sa ibabaw ng tulay ang biktima na kakain lamang sa isang karinderya nang hindi umano mapansin ng driver at nahagip ito sa bandang huling gulong ng truck.

Show comments