Drug den sa Marikina sinalakay

MANILA, Philippines - Isang townhouse sa Marikina na hinihinalang drug den ang sinalakay ng mga awtoridad, kahapon ng madaling araw kung saan naaresto ang isang kilalang drug pu­sher sa lungsod.

Kinilala ni  Marikina Police chief, Sr. Supt. Vincent Calanoga, ang suspek na si Randy Domingo, ng #305 Soliven St., Bgy. Nangka, Mari­kina City. Numero uno  uma­nong drug pusher sa lungsod si Domingo at sa Rizal.

Ayon kay Calanoga, nakatanggap sila ng im­­pormasyon na ginagamit na drug den ang townhouse ni Domingo kaya agad nagsagawa ng pag­­salakay ang kan­yang mga tauhan dakong alas-5:00 ng umaga kahapon.

Narekober mula sa suspek ang 10 gramo ng ipinagbabawal na gamot at iba’t ibang uri ng drug paraphernalia.

Nakakulong ngayon si Domingo sa Marikina police habang inihahanda­ na ang kaukulang demanda laban sa kanya. 

 

Show comments