Lady trader nag-suicide

MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 35-anyos na lady trader makaraang magbaril sa sarili sa harap ng kanyang asawa sa Quezon City, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marijane Onabia Tiu ng Palm St., Green Field Subdivision sa Brgy.  Kaligayahan.

Ayon kay PO3 Jogene Hernandez, naganap ang insidente sa loob mismo ng opisina ng biktima na karugtong ng kanilang bahay.

Nabatid na nasa loob ng opisina ang magkapatid na John Constantine Tiu, at ang asawa ng biktima na si Mitos­chelo Tiu nang dumating si Marijane.

Sinabihan ng mag-asawa si John na lumabas muna, dahil may pag-uusapan silang dalawa.

Subalit habang papalabas si John ay narinig nito sa biktima na “Ano ang gagawin ko para mapatawad mo ako Pa.” 

Gayon pa man, umali­ngawngaw ang malakas na putok ng baril kaya agad na buksan ni John ang sliding­ door ng opisina kung saan bumulaga sa kanya ang du­gu­ang biktima na nakahandusay habang ang asawa nito ay nakaupo naman sa lamesa.

Agad na humingi ng tulong si John sa mga tauhan at itinakbo ang biktima sa ospital subalit makalipas ang ang ilang oras ay namatay din ang biktima noong Martes ng hapon.

Sa utos ni P/Insp.Elmer Monsalve, hepe ng Homicide section ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit na isailalim sa paraffin test ang lahat ng nasa loob ng opisina para matukoy ang tunay na nagpaputok ng baril.

Show comments