Trak humagis sa mga bahay sa Muntinlupa; mag-asawa sugatan

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang mag-asawa matapos mabagsakan ng isang 10-wheeler truck ang ilang bahay sa Muntinlupa City nitong madaling araw ng Miyerkoles.

Kinilala ang mag-asawa na sina Rafael at Marina Estrella. Naka-confine na ang dalawa sa Alabang Medical Center.

Rumaragasa umano ang trak sa northbound lane ng South Luzon Expressway sa bahagi ng Susana Heights, Alabang mga bandang 5 ng umaga nang mawalan ng kontrol ang drayber na si Mark Mendoza.

Humagis ang trak, na may kargang kahunkahong ketchup, sa mga nakahilerang bahay sa Susana Heights. 

Show comments