Snatcher patay sa bugbog

MANILA, Philippines - Patay sa bugbog ang isang snatcher matapos na kuyugin ng taumbayan na humabol sa kanya,  kama­kalawa  ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Dead-on-arrival sa  ospital ang biktimang si  Alfredo Simbulan, 44, at residente ng  St. Mary  St., Asuncion, Tondo.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Marlon  San Pedro, ng  Manila Police District  Homicide Section naganap ang insidente dakong alas- 6 ng umaga sa may C.M. Recto Ave.

Hinablot umano  ni   Simbulan ang cellphone ng security guard na si Edwin Arogante na noo’y naglalakad sa Recto Avenue.

Humingi ng saklolo si Arogante na hinabol naman ng mga vendors na nasa lugar hanggang sa kuyugin ng may 20 katao.

Sinasabing si Simbulan ay kilabot na snatcher sa lugar na matagal nang gumagala sa Maynila.

Show comments