Rider todas sa concrete barrier

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider at malubhang nasugatan  ang dalawang angkas nito matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa konkretong barrier ng isang flyover  sa Pasay City kamakalawa.

Dead-on-arrival sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Merwin Palana, nakatira sa #627 Gamban St., ng naturang lungsod, nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo samantalang ang mga angkas nitong sina Rey Palana, 36; at Michael Cortes, 42, ng 2295 Saint Joan St. Maricaban, Pasay City ay pareho ring nilalapatan sa naturang pagamutan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni PO3 Edmar Echate, ng Pasay Police Traffic Management Unit, naganap ang in­sidente alas-5:00 ng hapon sa kahabaan ng Aurora Boulevard, patungong EDSA, ng naturang lungsod.

Nabatid binabagtas ng mga biktima ang lugar nang nawalan ng control sa manibela si Merwin dahilan upang salpukin ang konkretong pader na paakyat ng Tramo-EDSA flyover kaya’t pare-parehong tumilapon sa motorsiklo ang tatlo.Sinabi ni Echate na self accident ang naganap na pangyayari kaya’t walang iba pang motorista ang sangkot sa insidente.

Show comments