12 sasakyan nagkarambola sa C-5

MANILA, Philippines - Labindalawang sa­sakyan ang nagkaram­bola sa may C-5 Inter­change makaraang araruhin ito ng isang rumaragasang ten wheeler truck kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat, ang ten wheeler truck ay may lulang mga LPG tank na sinasabing nawalan umano ng preno at bumangga sa isang sasakyan.

Dahil sa bilis ng takbo ng truck bumangga ang nabangga nito sa isa pang sasakyan hanggang sa magkarambola na nga at umabot sa 12 behikulo ang naapektuhan.

Ilan sa mga sasakyan ang masasabing hindi na mapapakinabangan pa dahil sa matinding pinsala.

Binanggit pa rin na 2 ang nasugatan sa naturang aksidente.

Hawak na ng Makati police ang driver ng truck na pinagmulan ng aksidente.

Show comments